Radio station studios na yari sa container vans, pinasinayaan
Pinasinayaan ngayong Oktubre 31 ng Eagle Broadcasting Corporation ang mga radio station nito sa Davao at Bicol regions na ang mga studio ay yari sa used container vans.
Kasabay ito ng re-launch ng DXED 1224 Khz Radyo Agila Davao, launching ng BeeCool 92.7 FM at relaunch ng DZLW 711Khz, kapwa sa Naga City.
Sa ganda ng disenyo sa loob at labas ng gusaling ito sa Naga City, walang halos mag aakalang ang main construction material na ginamit sa pagtatayo nito ay dalawang 40 footer container vans.
Kaugnay ito sa isa sa mga adbokasiya ng himpilan ukol sa pangangalaga sa kapaligiran, sa pamamagitan ng reduce, re-use and recycle.
Sa kasalukuyan ay may ilan na ring bumibisita sa himpilan upang makita at makapag-selfie sa harap ng bagong studio ng radyo na gawa sa container vans.