Lingap sa Mamamayan ng Iglesia ni Cristo, matagumpay na naisagawa sa lalawigan ng Biliran

Matagumpay na naisagawa ang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo, sa lalawigan ng Biliran, isinagawa ang aktibidad sa Naval, gym sa nasabing lalawigan.


Maraming mga residente ang nabigyan ng relief goods na naglalaman ng bigas, de lata, at noodles. 


Bago ang aktibidad ng INC sa naturang lugar ay nakipagpulong muna ang mga Ministro at Pangalawang Tagapangasiwa ng Distrito sa mga opisyal ng Naval at Biliran para sa magiging kaayusan ng aktibidad at masunod ang minimum health protocol na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.


Nagpasalamat din sa Iglesia ni Cristo ang alkalde ng bayan ng Naval at ang gobernador ng Biliran sa tulong na iniabot ng INC para sa kanilang mga kababayan, lalo na ang mga naapektuhan ng pandemiya at nagdaang kalamidad.

Nagpaabot din ng pagbati at pasasalamat ang mga opisyal ng pamahalaan sa biliran sa Kapatid na Edurado V. Manalo ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo sa pagsapit ng kaarawan nito ngayong araw at sa walang sawang pagbibigay ng tulong sa mamamayan sa lahat ng panahon at pagkakataon.

Ulat ni Mar Cardona

Please follow and like us: