NAIA, sarado ng 24 oras dahil sa Super Typhoon Rolly

Simula alas-10:00 ng umaga ngayong araw, kanselado ang mga flight operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa statement ng NAIA, sarado ang operasyon sa loob ng 24 oras o hanggang alas-10:00 ng umaga ng November 2.

Ang temporary closure ay bilang pag-iingat sa mga pasahero dala ng super typhoon Rolly na nagdadala na ng malalakas na ulan at hangin sa malaking bahagi ng bansa.

Kaugnay nito, nanawagan si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa mga pasahero na iwasan munang magtungo sa NAIA dahil sa 24 hours closure.

Hinomok din niya ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline companies para sa mga bago at susunod na flight schedules sa sandaling maibalik na muli ang operasyon.

Ipinag-utos na rin ni Monreal ang pagtigil muna sa itinakdang runway maintenance closure sa November 2 para bigyang-daan ang recovery flights.

Para sa mga flight operations updates at inquiries, maaaring kontakin ang MIAA SMS hotline na 0917-8396242 / 0918-9186242; Voice Hotline 88771-1111 or through its Facebook Page and Twitter account @MIAAGovPh,”

==============

Please follow and like us: