Australia nakapagtala ng bagong zero community COVID cases
Inanunsyo ng health minister ng Australia, ang naitalang basgong zero locally transmitted coronavirus cases.
Sinabi ni Health Minister Greg Hunt, na nakatanggap siya ng advice mula sa National Incident Centre na walang bagong mga kasong na-detect sa komunidad sa loob ng 24-oras hanggang alas-8:00 ng gabi noong Sabado.
Una itong nangyari halos limang buwan na ang nakalilipas noong June 9, bago ang second-wave outbreak sa estado ng Victoria, na sanhi ng pagpapatupad ng strict lockdown at overnight curfew sa limang milyong residente ng Melbourne.
Sa kaniyang tweet kahapon, Linggo, Nov. 1 ay pinasalamatan ni Hunt ang lahat ng health at public health workers at lahat ng mamamayan ng Australia..
Mas kakaunti na ngayon sa 200 ang active cases ng COVID-19 sa magkabilang panig ng Australia, na nakapagtala lamang ng higit 27, 500 na mga kaso at 907 pagkamatay mula nang magsimula ang pandemya.
Inalis na ang stay-at-home orders sa Melbourne, kung saan muli nang nakapagbukas ang mga restaurant, bar at shop.
Ang pinagtutuunan na ngayon ng pansin ng mga awtoridad sa Australia, ay ang muling magkasama ang mga pamilyang nagkahiwalay matapos ipatupad ang virus measures, at nangakong muli nang bubuksan ang internal borders para makauwi na ang libo-libong na-stranded na mga australiano sa ibang bansa bago ang December holidays.
© Agence France-Presse