Price freeze awtomatikong ipapatupad sa mga lugar na nasa State of Calamity – DTI
Dahil sa magkakasunod na bagyong tumama sa bansa ..pinaiiral ng department of trade and industry o DTI ang price freeze.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez , ipapatupad ito sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.
Nauna nang isinailalim sa state of calamity ay ang Albay, Batangas, Oriental Mindoro, at Marinduque matapos mapinsala dahil sa Bagyong Quinta .
Habang ang Camarines Sur naman ay isinailim din sa state of calamity dahil sa Bagyong Rolly
Sakop ng price freeze ang basic commodities tulad ng mga de lata, instant noodles, kape at gatas.
Papatawan ng dalawang milyong pisong multang ng dti ang sinumang lalabag sa pinaiiral na price freeze.