Relasyon ng Pilipinas at Amerika, mananatiling matatag sinoman ang manalo sa US Presidential election – Malakanyang
Tiniyak ng Malakanyang na mananatiling matatag ang diplomatic relation ng Pilipinas at Amerika sinoman ang manalo kina President Donald Trump ng Republican at dating Vice President Joe Biden ng Democrats.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na subok na ng panahon ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.
Ayon kay Roque hindi nakabatay sa personal na relasyon ng nakaupo sa Malakanyang at White House ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika.
Inihayag ni Roque bagamat independent foriegn policy ang itinataguyod ni Pangulong Rodrigo Duterte hindi ito makakahadlang sa matagal ng diplomatic relation ng Pilipinas at Estados Unidos.
Niliwanag ni Roque matagal ng foreign partner ng Pilipinas ang Amerika sa larangan ng ekonomiya at depensa.
Vic Somintac