Isang Beauty salon at 10 iba pang negosyo sa Quezon City, sinampahan ng Tax evasion complaint sa DOJ

Nahaharap sa reklamong tax evasion sa DOJ ang 11 korporasyon at mga negosyante mula sa Quezon City dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa 179 million pesos.

Isa sa mga sinampahan ng BIR ng reklamo ang hairdressing business na SALON DE MANILA dahil sa mahigit 2.39 million pesos na tax liability para sa taong 2012.

Pinakamalaki naman sa may utang sa buwis ay ang KEYLARGO PHILIPPINES, INC. na mayroong mahigit 67 million pesos na tax deficiency para rin sa taong 2012.

Ilan pa sa kinasuhan ng paglabag sa National Internal Revenue Code ay ang MH POLY-ELECTROMECHS INCORPORATED; FAREAL BUILDERS, INC.; GENUINE SOURCE, INC.; at VICTORIA MOTORS CORPORATION.

Gayundin, ang mga negosyante na sina Enrico Candelaria Tuazon, Lilibeth Ramos Aragon, Diosdado Castillar, at Daisy Salvador.

Ayon sa BIR, sa kabila ng mga abiso sa mga respondents ay bigo pa rin ang mga ito na bayaran ang buwis kaya tuluyan na silang ipinagharap ng reklamo sa DOJ.

Moira Encina

Please follow and like us: