Pagsasahimpapawid ng live coverage ng unang public appearance ni US President Donald Trump, itinigil ng US networks dahil sa mga “kasinungalingan”
Itinigil ng ilang US TV networks ang live coverage ng unang public appearance ni US President Donald Trump muna noong gabi ng halalan, matapos nilang ipasya na ang pangulo ay nagkakalat ng maling impormasyon.
Sa isang 17-minutong public address, naglabas si Trump ng mga walang batayang pag-aangkin kung saan iginiit nito na gumagamit ang Democrats ng “illegal votes” upang nakawin ang boto mula sa kanila.
Ang pangulo ay naglabas ng pahayag habang ang late vote counting sa battleground states, ay nagpapakita na ang Democrat na si Joe Biden ay papalapit na sa pagtatagumpay sa halalan.
Nang agarang putulin ng network ang kanilang live coverage, sinabi ni MSNBC anchor Brian Willimas, na hindi lamang nila pinuputol ang pagsasalita ng pangulo ng Estados Unidos, kundi itinutuwid nila ito.
Inalis din ng NBC at ABC News ang plug para sa live coverage nila kay Trump.
Sinabi naman ni Jake Tapper ng CNN, na isang malungkot na gabi iyon para sa Estados Unidos ng America, na marinig ang kanilang pangulo na nagbibitaw ng maling paratang sa mga tao ng pagtatangkang nakawin ang eleksyon.
Inilarawan ni Tapper ang sinabi ni Trump na “lie after lie after lie about the election being stolen,” with no evidence, “just smears.”
© Agence France-Presse