Prime Minister ng New Zealand, nanumpa na para sa kaniyang ikalawang termino
Nanumpa na para sa kaniyang second term ang Prime Minister ng New Zealand na si Jacinda Ardern, matapos lumitaw sa final election results na ang kaniyang landslide victory ay mas malaki pa kaysa inaakala
Nanumpa si Ardern at ang kaniyang ministers kapwa sa English at Maori languagge sa isang seremonyang ginanap sa Government House sa Wellington.
Pinangunahan ng 40-anyos na si Ardern ang pagwawagi ng kaniyang centre-left Labour Party sa October 17 election, na “biggest win” mula noong World War II.
Sa Final results na lumabas ngayong araw ng Biyernes, si Ardern ay nakakuha ng 50.0 percent ng boto, mas mataas mula sa 49.0 noong gabi ng eleksyon, na nagresulta para ang kaniyang partido ay magkaroon ng 65 pwesto sa 120-strong parliament, sa halip na 64.
Nabawasan naman ang pwesto ng main opposition National Party sa 33 mula sa dating 35, na nagbunsod upang ang campaign director na si Gerry Brownlee ay magbitiw bilang deputy party leader.
Sinabi ni Ardern na may malinaw siyang mandato para sa reporma, bagamat ang kaniyang prayoridad ay ang COVID-19 at muling ibagon ang ekonomiya na sinira ng pandemya.
Ang COVID-19 pandemic, ang isa sa serye ng mga emergency na sumubok sa liderato ni Ardern sa una niyang termino, matapos ang hindi inaasahan niyang panalo noong 2017.
© Agence France-Presse