COVID – 19 Vaccine cluster, itinatag ni Pangulong Duterte para pangasiwaan ang National Vaccination Program ng pamahalaan
Binuo na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang COVID 19 vaccine cluster na tututok sa vaccination program ng gobyerno na pamumunuan ni Vaccine Czar at National Task Force o NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez.
Sa Laging Handa virtual press briefing sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na nagpatupad ng restructuring ang Inter Agency Task Force o IATF sa National Task Force para maitatag ang COVID 19 vaccine cluster.
Ayon kay Roque binuwag ng IATF ang COVID 19 Immunization Program Management Organizational Structure na unang inaprubahan noong Oktubre 26 ng kasalukuyang taon para bigyang daan ang COVID19 Vaccine Cluster na hiwalay sa response cluster ng NTF.
Niliwanag ni Roque ang COVID 19 Vaccine Cluster ay may Executive Committee members and advisory groups, ibat ibang task groups na may kani kaniyang papel at responsibilidad.
Inihayag ni Roque inilatag din ng IATF ang mga tungkulin ng Vaccine Czar .
Kabilang dito ang pakikipag koordinasyon sa ibat ibang ahensiya, mga technical working groups sa ngalan ng Department of Health o DOH, pagtiyak sa kaligtasan at pagiging epektibo ng bakuna, ayusin ang maagang pagpapalabas ng Certificate of Product Registration sa Food and Drugs Administration o FDA, pangunahan ang pakikipag negosasyon sa bibilhing bakuna, bumuo ng price negotiation board alinsunod sa cost effective price ng health technology assessment.
Tungkulin din ng Vaccine Czar ang pagtukoy kung sino sino ang mga dapat maunang mabakunahan, papano maidi deliver ang mga bakuna at pagpapatupad ng mga guidelines at surveillance.
Kaugnay nito kinumpirma ni Roque na pinagtibay narin ng IATF ang Philippine National Vaccine Roadmap and Implementation Plan na isinumite ni Secretary Galvez kay Pangulong Duterte.
Vic Somintac