Israel, nag-donate ng 10,000 Covid-19 test kits sa Department of National Defense
Nagkaloob ang Israel ng 10,000 Covid-19 test kits sa Department of National Defense (DND) para lalong mapalakas ang pagtugon ng militar sa Pandemya.
Ang mga donasyon ay mula sa Israel Ministry of Defense – SIBAT.
Isinagawa ang handover ceremony ng mga COVID test kits sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Ayon kay Israel Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz, magkaibigan at magkaalyado ang Pilipinas at Israel pagdating sa military modernization at capability upgrade at sanib-pwersa ngayong pandemya para labanan ang COVID.
Sinabi naman ni Defense Attaché Mr. Raz Shabtay na umaasa siya na makatutulong ang test kits sa paglaban sa COVID habang hinihintay ang bakuna laban sa sakit.
Tinalakay din sa pagpupulong ng DND officials at Israeli diplomats ang lalong pagpapalawig sa defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa kabilang ang counter-terrorism, at military technologies at experience.
Una na ring nagdonate ang Israel ng personal protective equipment sa mga first responders ng DND at PNP.
Moira Encina