Census sa Populasyon at Housing ng 44 na probinsiya, natapos na ng PSAAuthority
Natapos na mh Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagkuha ng Census ng populasyon at housing sa may apatnapu’t apat na probinsya sa buong bansa.
Layon ng kanilang programang “2020 Sama na Census na”, ay maia-update ang Census population at Housing ngmahigit 100 milyong mamamayan ng Pilipinas para sa mga programa at serbisyo ng gobyerno.
Ayon kay Minerva Eloisa Esquivas, OIC Deputy National Statistician, hanggang noong nakaraang linggo, November 6, halos nasa 54.13 PERCENT na ng mgaresidente sa buong bansa ang nakunan at nai-update ang Census.
Natapos ito sa may 44 mula sa 81 probinsiya na kailangang kunan ng mga datos.
Kumpara aniya noong mga nakaraang Census, bahagya lamang bumagal ang kanilang proseso dahil sa epekto ng Covid-19 Pandemic at doble ang ginagawang pag-iingat ng kanilang mga enumerators.
May mga probinsiya rin aniya na hirap silang mapasok dahil sa sobrang remote ng mga lugar.
On-going pa aniya ang Census sa 33 mga probinsiya kasama na ang National Capital Region na plano nilang matapos bago matapos ang Disyembre.
Target ng PSA na makunan ng Census ang may 25 milyong household bago matapos ang taon.
Kasabay nito, inanunsyo ng PSA na noong October 12, umarangkada na rin ang pagpaparehistro para sa National Identification System.
Sa pamamagitan ng National ID, may pagkakataon na ang lahat ng mga mahihirap na Filipino na makapagbukas ng kanilang bank account upang dito na lamang idadaan ng gobyerno ang mga Government assistance kabilang na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Meanne Corvera