Sanhi ng sunog na naganap sa 2 barangay sa Bacoor City noong Nov.1, tukoy na ng BFP.

Natukoy na ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection o BFP ang pinagmulan ng nangyaring sunog noong gabi ng nobyembre a uno sa mga  Barangay Alima at Barangay Sineguelasan. 


Sa ibinigay na progress report ng mga opisyal mula sa BFP kay Bacoor City Mayor Lani Revilla, nagmula ang sunog sa tahanan ng nagngangalang Julio Talay na taga baranggay Alima. 


Ayon kay BFP-Bacoor C/INSP. Genalyn Cabasal, electrical ignition dahil sa loose connection ang naging dahilan ng sunog at mabilis na kumalat dahil gawa sa pawid ang bahay ni Talay. 


Ayon pa kay Cabasal, karamihan din aniya sa mga nasunog na bahay sa dalawang brgy. sa Bacoor ay walang mga tao dahil sa marami sa mga residente dito ay inilikas noong gabi ng Nov. 1 dahil sa pananalasa ng bagyong rolly. 


Matatandaang umabot sa mahigit 700 kabahayan ang natupok ng sunog habang aabot naman na mahigit 3,500 na indibidwal ang nawalan ng tahanan noong gabi ng November 1.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: