Pagproseso ng mga labor dispute pwede na ring gawin online – DOLE

Sa panahong ito na patuloy pa ang banta ng COVID-19, maaari naring gawin ngayon online ang pagproseso ng mga labor dispute.

Ito ay sa pamamagitan ng Single Entry Approach (SEnA) program ng Department of Labor and employment kung saan online na rin ang conciliation at mediation ng labor disputes.

Layon ng programa na mapabilis, at maging
accessible sa lahat ang settlement procedures ng mga labor issues o conflicts upang hindi na umabot sa punto na maging aktwal na labor cases.

Sa pamamagitan ng e-SEnA, ang mga concerned party ay hindi na kailangan pang magpunta sa Single Entry Assistance Desk para mag- file ng request para sa assistance at dumalo ng SEnA conferences.

Ang SEnA form ay maaari namang ma-access sa https://sena.dole.gov.ph.

Sa oras na masagutan, ang form ay maaaring isumite sa pamamagitan ng facsimile, e-mail, messenger o Viber.

Para maiwasan ang face-to-face contact ang paghaharap ng mga concerned party ay gagawin sa pamamagitan ng video conferencing o teleconferencing.

Pero kung hindi ito posible ay saka lamang ito papayagan ang face to face meeting.

Madz Moratillo

Please follow and like us: