COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 399,000
Umakyat na sa 399,749 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases ang naitala sa bansa.
Pero sa bilang na ito, 30,169 lamang ang aktibong kaso.
May 1,347 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.
Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Cavite na may 92 new cases, Manila na may 77 new cases, Quezon City na may 58 new cases, Baguio City na may 55 77 new cases, at Laguna na may 52 new cases.
May 187 naman na naitalang bagong gumaling mula sa virus.
Dahil rito, umabot na sa 361, 919 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.
May 14 naman na bagong nasawi dahil sa virus.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 7, 661 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
Madz Moratillo