NBA 2020-21 season deal, aprubado na
Pormal nang inaprubahan ng NBA board of governors ang isang kasunduan para sa pinaikling 2020-2021 season, kung saan magtatapos ito sa December 22.
Batay sa isang pahayag ng NBA, nagkakaisang inaprubahan ng board ng liga ang adjustments sa kasalukuyang collective bargaining agreement, na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ayon pa sa pahayag, ipagpapatuloy ng liga ang negosasyon sa National Basketball Players Association (NBPA) sa iba pang aspeto ng upcoming season.
Sa ilalim ng napagkasunduan, pumayag ang NBPA at ang liga sa bawat koponan na maglalaro sa 72-game schedule.
Kasama sa napagkasunduan ang posibleng pagbabawas sa sweldo ng mga manlalaro dahil sa pandemya, na hindi hihigit sa 20% at sasaklawin ng antas na ito ang hanggang three seasons.
Ang free agency negotiations ay maguumpisa naman sa November 20 at ang signings ay magsisimula sa November 22.
Simula sa Disyembre, makukumpleto na ng liga ang playoffs bago ang rescheduled Olympics sa mid-July, ibig sabihin ay magiging available na ang top players ng liga para maglaro sa Tokyo.
Ang bagong season ay matatapos ng lampas ng kaunti sa dalawang buwan, makaraang maantala ang pagtatapos ng 2019-2020 season dahil sa pandemya.
Ang Los Angeles Lakers ay naging 2020 champions makaraang magresume ang season noong July kasunod ng apat na buwang pagkahinto ng mga laro.
Bagamat ang restart ng season ay isinagawa sa isang single, secure “bubble” location sa Orlando, Florida, ang susunod na season ay inaasahang gaganapin sa home venues ng mga maglalarong koponan.
© Agence France-Presse