Bagyong Ulysses, posibleng mag-landfall sa Polilio islands ngayong gabi
Sa Polilio islands posibleng mag-landfall ang bagyong Ulysses sa pagitan ng 10:00PM at alas dose ng hatinggabi batay sa forecast ng PAGASA-DOST.
Kasunod nitong tatamaan ang hilagang bahagi ng mainland Quezon province mula 1:00AM hanggang 3:00AM bago ito tuluyang tawirin ang Central Luzon at makarating sa kanlurang baybayin ng Zambales bukas ng umaga.
Please follow and like us: