Bagyong Ulysses, palayo na mula sa kalupaan ng Central Luzon
Palayo na ng kalupaan ng Central Luzon ang bagyong Ulysses patungo sa direksyon ng West Philippine sea sa area ng Zambales.
Ganap na ika-7 ngayong umaga nang mamataan ang bagyo sa Cabangan, Zambales.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 km/h na may pagbugsong aabot ng hanggang 215 km/h. Kumikilos ito sa direksyong West Northwestward sa bilis na 30 km/h.
Tinatayang ganap nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas ng umaga.
Sa kabila nito, asahan pa rin ang malalakas na mga pag-ulan hanggang ngayong hapon sa Metro Manila, CALABARZON, at Central Luzon.
Moderate to heavy with at times intense rains naman ang inaasahan sa Cordillera Administrative Region, mainland Cagayan Valley, Babuyan Islands, Pangasinan, Marinduque, and the northern portion of Mindoro Provinces including Lubang Island.