Water level sa Marikina river, unti-unti nang bumababa
Unti-unti nang bumababa ang tubig sa Marikina river matapos nitong maabot ang 22.0 meters na water level pasado alas 10 kaninang umaga.
Makalipas ang isang oras ay hindi na tumaas pa sa 22.0 meters ang water level sa Marikina river, sa halip ay unti-unti na itong bumaba sa 21.9 meters ganap na 11:38AM.
Bahagya pa itong bumaba sa 21.8 meters bandang alas 12:08 ngayong tanghali.
Ang pagbaba ng water level sa Marikina river ay indikasyon ng unti-unti ring paghupa ng baha sa Marikina City at sa mga kalapit na bayan ng Rodriguez at San Mateo, Rizal.
Please follow and like us: