PRRD, tiniyak sa mga biktima ng bagyong Ulysses ang tulong ng gobyerno
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na On Top of the Situation ang pamahalaan sa pananalasa ng bagyong Ulysses.
Sa kaniyang Address to the Nation, sinabi ng Pangulo na pinakilos na niya ang iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan para tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente.
Statement, Pangulong Rodrigo Duterte:
“My countrymen, mga kababayan, while we are heavy downpour and strong winds of Ulysses, I assure everyone that your government is on top of the situation. from the beginning, various govt agencies have already been mobilized to respond tot he situation on ground. I renew my call to all LGUs and concerned agencies to ensure that the well being and safety of people remain the top priority.” As president, i guarantee you that your gov’t will do its best to provide assistance in the form of shelters, relief goods, financial aid and post disaster counseling. rest assured the government will not leave anybody behind. We will get through this crisis, I assure you.”
“As one nation kapit po tayo, mga kababayan, mag bayanihan po tayong lahat. Alam mo meron tayong mga assets na bago, the Coast Guard, yung gamitin nila sa tubig and the fast vessels that are with the Navy and yung Air Force natin, marami tayong helicopter, as the weather is still whirling, umiikot pa rin yung hangin, hindi pa maka trabaho, hindi pa makalipad.”
Inihayag ng Pangulo na kumikilos na aniya ang mga sundalo at pulis para magsagawa ng rescue operations at naka standby na rin ang mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.
“But all of these pati sundalo, nauna na po yan, yun pa lang, pagdating ng advisories sa atin, naka pondo na ang mga tao. the goods are there, people have been mobilzed and deployed, kaya pagdating ng bagyo nandyan na, nagtrabaho na sila.”
Vic Somintac