CEO ng Pfizer, nakabenta ng $5.6 million stock sa araw na inanunsyo ng kompanya ang positibong resulta ng kanilang COVID-19 vaccine

Nakabenta ng $5.6-milion sa kaniyang stock sa US pharmaceutical company, ang Pfizer CEO na si Albert Bourla, sa araw mismo nang i-anunsyo ng kompanya ang resulta ng kanilang COVID-19 vaccine candidate.

Gayunman, sa report ng kompanya, bahagi ito ng isang pre-arranged periodic divestment plan kapag ang stock ay umabot na sa isang tiyak na halaga.

Batay sa US market regulator SEC, si Bourla ay nakabenta ng 132,508 shares sa halagang $41.94 bawat share noong Lunes.

Ang executive vice president naman ng kompanya na si Sally Susman, ay nakapagbenta rin ng nasa $1.8 million sa stock, o 43,662 shares.

Tumaas ang shares ng Pfizer ng higit seven percent matapos ang pagtaas ng higit 15 percent noong Lunes, nang i-anunsyo ng kompanya na ang trials ng kanilang vaccine candidate na dinidevelop kasama ng German company na BioNTech, ay 90 percent effective.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: