State of Calamity, idineklara sa buong probinsiya ng Cagayan
Nararanasan ngayon ng probinsiya ng Cagayan ang malawakang pagbaha dulot ng bagyong Ulysses.
Hindi man naging sentro ng bagyo ang probinsiya subalit malaki ang naging pinsala nito dulot ng pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam.
Sa Tuguegarao City, lubog ang ilang barangay lalo na ang mga nasa tabing ilog.
Umabot na rin sa 13 meters na critical level ang ang Buntun bridge na pinakamahabang tulay sa probinsiya ng Cagayan.
Maraming mga tao ang humihingi ng saklolo dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig. Subalit dahil sa malawakang pagbaha sa buong probinsiya ay kulang na kulang ang rescuer. Pahirapan pa ang kawalan ng komunikasyon dahil sa brownout.
Sa Baggao, apat na katao ang namatay dahil sa landslide. Natabunan ng lupa ang kanilang bahay.
Isinailalim na sa state of calamity ang buong Cagayan.
(report ni eaglenews correspondent Nhel Ramos)