Mga naapektuhan ng bagyong Ulysses sa Barangay San Roque, Tarlac District, nilingap ng Iglesia Ni Cristo
Muling nilingap ng Iglesia Ni Cristo ang mga residente sa Barangay San Roque, Tarlac City, na naapektuhan ng bagyong Ulysses.
Pinangunahan ng Tagapangasiwa ng Distrito ng Tarlac City na si kapatid na Emil Santiago at mga maytungkulin sa Iglesia, ang pamamahagi ng 500 food packs sa mga residente ng nasabing lugar.
Isinagawa ang Lingap Sa Mamamayan ngayong araw, ika-14 ng Nobyembre 2020.
Matatandaan na nito lamang Oktubre 31, ay nasa 4,500 na food packs ang ipinamahagi rin ng Iglesia Ni Cristo sa mga naapektuhan ng nagdaang bagyong Rolly.
Sa pamamagitan ng Lingap sa Mamamayan ay muling pinatunayan ng INC ang marubdob na pagtulong sa mga tao, na naaapektuhan ng mga kalamidad.
Nabigyan ng food packs ang mga kaanib at hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo, na lubos naman nilang pinasalamatan.
Anila, maraming beses na silang nakatanggap ng ayuda mula sa Iglesia Ni Cristo.
Ayon sa Pamunuan ng INC sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, hindi titigil ang INC sa pagtulong sa lahat ng mga taong nangangailangan.
Ginagawa ito ng INC bilang pagsunod sa utos ng Panginoong Diyos, tulungan at lingapin ang mga nangangailangan.
Ulat ni Danilo Ocampo