Task Force, binuo ng pamahalaan para sa agarang tulong sa mga sinalanta ng bagyong Ulysses
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na doble ang ginagawang pagsisikap ng gobyerno para tulungan ang mga kababayan nating matinding sinalanta ng bagyong Ulysses.
Sa kaniyang Address to the Nation, sinabi ng Pangulo na ang kaniyang administrasyon ay nakahandang tumulong at magbigay ng agarang assistance sa daan-daang libong mga residente na inabot ng matinding pagbaha.
Bumuo na aniya siya ng Task Force para magkaloob ng agarang relief assistance sa problemang kinakaharap ngayon ng ating mga kababayan.
Pinakilos na aniya niya ang lahat ng ahensya ng gobyerno at assets ng Philippine Army, Navy, Coast Giard at Air Force para magtungo at tumulong sa rescue efforts sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
“Ang gobyerno natin ay gumagawa ng mga patakaran na para matulungan makabangon ‘yung tinamaan ng epekto ng typhoon. Kaya sa madalian, gumawa ako ng hakbang — creation of a task force. Ito naman, I directed them to streamline para madali ang rehabilitation efforts affected by the typhoon,” – Pres. Duterte