DFA, dapat hingin na ang tulong ng International community para sa relief operations sa mga lugar na matinding tinamaan ng bagyo – Senador Binay
Umapila si Senador Nancy Binay sa Department of Foreign Affairs (DFA) na humingi na ng tulong sa International Community para sa rescue at relief mission ng gobyerno.
Ayon kay Binay, maaaring i-activate ng gobyerno ang Philippine International Humanitarian Assistance Cluster (PIHAC) para sa Humanitarian aid mula sa mga Foreign states at mga organisasyon.
Sinabi ni Binay na noong 2018, inaprubahan ang guidelines para dito kung saan ang PIHAC ay maaaring mgrekomenda sa Pangulo para umapila sa International Community para sa kinakailangang tulong.
Aminado ang Senador na hindi na kakayanin ng gobyerno na tulungan ang mga naapektuhan ng magkakasunod na malalaka na Bagyong Rolly at Ulysses.
Masyado na aniyang bagsak ang ekonomiya dahil sa epekto ng Covid-19 Pandemic at sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa.
Meanne Corvera