Libreng mga Palay Seedlings ipinamahagi sa mga magsasaka sa Carigara Leyte
Namahagi ng mga palay seedlings ang mga opisyal ng Carigara, Leyte Municipal Office katuwang ang ang Dept. of Agriculture Reg. 8 para sa kanilang mga magsasaka sa bayan.
Kasabay ng pamamahagi ng mga butil ng palay ay technical briefing on rice competitiveness enhancement program sa kanilang lugar.
Bukod sa mga nabanggit na aktibidad ay nagsagawa din ang mga opisyal ng enrollment para sa mga magsasaka para sa kanilang registry system for basic sectors in agriculture kasama na ang PCIC insurance.
Ayon sa mga opisyal ng Dept. of Agriculture Reg. 8, isinagawa nila ang aktibidad na ito sa layuning masunod ang RCEP Seeding Program ng ahensya sa ilalim ng R.A 11023 o ang Rice Tarrification law para mapalakas pa ang produksyon ng mga inaaning palay sa kanilang bayan.
Ulat ni Rose Marie Metran