Pamahalaan maglalaan ng 73.2 billion pesos para makabili ng 60 milyong doses ng Anti-Covid 19 Vaccine- Malacañang
Tiniyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong pagkukunan ng pondo ang pamahalaan para makabili ng anti COVID 19 vaccine.
Sa kanyang ulat sa Pangulo sa pulong ng Inter Agency Task Force o IATF sa Davao City sinabi ni Secretary Dominguez na tatlo ang magiging source of funding para ipambili ng bakuna laban sa COVID 19.
Ayon kay Dominguez unang source of fund ang multilateral agencies na kinabibilangan ng Asian Development Bank o ADB at World Bank na maaring makakuha ng 40 bilyong pisong loan.
Pangalawang mapagkukunan ng pondo ay ang domestic financing na kinabibilangan ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines kasana ang mga Government Owned and Controlled Corporations na makapagbibigay ng 20 bilyong pisong pondo.
Pangatlo ay ang bilateral source na pag-bibilhan ng bakuna kasama ang US at England sa pamamagitan ng negotiated contract na aabot sa 13.2 bilyong piso.
Niliwanag ni Dominguez na sa pamamagitan ng tatlong source of funding ay makakalikom ang pamahalaan ng kabuuang 73.2 bilyong piso na ipambibili ng 60 milyong doses ng anti COVID 19 vaccine.
Batay sa report limang potential anti COVID 19 vaccine ang tinitingnan ng Pilipinas na bibilhin sa sandaling available na sa merkado na kinabibilangan ng Sinovac, Hansen ng Johnson and Johnson, Gamaleya, Astra Seneca, at Pfizer.
Vic Somintac