4-day work week schedule ipatutupad sa Korte Suprema
Epektibo sa December 1, 2020 ay apat na araw na lamang ang pasok ng mga opisyal at kawani sa Korte Suprema.
Ito ay matapos aprubahan ng Supreme Court ang implementasyon ng four-day work week schedule habang nasa ilalim ng state of public health emergency ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Pero, mula ala-7:30 ng umaga hanggang ala-5:30 ng hapon o 10 oras kada araw na ang pasok ng mga nasa Supreme Court.
Ito ay para makatugon sa required na 40 hours na pasok kada linggo alinsunod sa kautusan ng Civil Service Commission.
Kaugnay nito, inatasan ng Korte Suprema ang Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at mga lower courts na isumite ang guidelines nila sa pagpapatupad ng four-day work week sa Office of the Chief Justice.
Ayon sa Korte Suprema, matapos ang kanilang seryosong pag-aaral ay nakita nilang makabubuti o advisable na iobserba ang apat na araw na pasok sa SC habang may public health emergency.
Moira Encina