Bilang ng mga nagpositibo sa Covid 19 sa Calabarzon, nadagdagan pa.
Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Batay sa datos mula sa DOH Region 4A nakapagtala ang ahensya ng 403 na mga confirmed case ng Covis 19 kung kaya pumalo na sa 60,397 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Umabot naman sa 6,388 ang bilang ng mga may aktibong kaso ng virus, habang 52,394 na ang bilang ng mga nakarekober.
Nasa 1,615 ang bilang ng mga nasawi.
Nangunguna pa rin ang Laguna sa may pinaka maraming kaso ng Covid 19 pangalawa ang Cavite, sumunod dito ay ang Rizal, pang apat ang Batangas, at panghuli ay ang Quezon province.
Patuloy naman ang paalala ng ahensya sa publiko na panatilihin pa rin na sinusunod ang mga health protocol ngayong may pandemiya pa sa bansa dulot ng Covid 19.
Jet Hilario