Mahigit 150,000 indibidwal sa Southeastern India, inilikas dahil sa pagtama ng Cyclone Nivar
Libu-libong katao ang inilikasa sa Southeastern India dahil sa papalapit na Cyclone Nivar.
Ayon sa Indian weather officials, inaasahang tatama ang bagyo sa coastal areas ngayong Huwebes taglay ang malalakas na pag-ulan.
Ang Cyclone Nivar ay nasa kategoryang Very severe Cyclonic storm at inaasahang taglay nito ang lakas ng haning aabot sa 120 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang sa 145 kilometers per hour kapag ito ay magla-landfall na sa Bay of Bengal sa North Indian ocean.
Libu-libong tauhan ng State and National emergency ang itinalaga sa mga Southern region ng Tamil Nadu, Andhra Pradesh at Puducherry na tatamaan ng bagyo.
Idineklara na rin ang Public holiday sa mga nasabing lugar at ayon sa mga local authorities, ang mga emergency services lamang ang mananatiling nakabukas.
Suspendido rin ang flight operations sa Chennai airport ganundin ang operasyon ng Metro train.
Kasabay nito, umapila si Lieutenant Governor Kiran Bedi sa kaniyang mga kababayan na manatiling nakaalaerto at tumalima sa instruction ng mga otoridad.
Inabisuhan rin ang mga mangingisda na huwag nang pumalaot sa karagatan.