Senado pag-aaralan kung iimbitahan si Joma Sison sa pagdinig sa isyu ng red tagging
Pag-aaralan ng Senado kung iimbitahan si Communist party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison sa pagdinig ng Senado ukol sa umano’y Red tagging ng administrasyon sa mga lider ng mga militanteng grupo at ilang personalidad.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson na Chairman ng Senate Committee on national defense and security bukod sa nasa labas ito ng bansa may kinakaharap itong warrant of arrest sa korte.
Titimbangin din aniya kung may probative value o halaga ang mga sasabihin nito sa isang pagdinig na in aid of legislation.
Nauna nang iminungkahi na imbitahan si Sison dahil ilang ulit itong itinuro ng mga opisyal ng gobyerno na siya mismong nag red tag sa mga militanteng samahan.
Sa pagdinig ng Senado nauna nang ipinakita ang lumang video clip kung saan sinabi ni sison na kaalyado ng partido Komunista ang Bayan, Kilusang Mayo Uno, Gabriella at mga miyembro ng Makabayan Bloc.
Meanne Corvera