Desisyon ng Malacañang na hindi pangalanan ang mga Kongresistang dawit sa anomalya, dapat irespeto
Idinepensa ni Senador Christopher “Bong” Go ang desisyon ng Malacañang na huwag pangalanan at imbestigahan ang mga Kongresista na sinasabing sangkot sa korapsyon.
Sinabi ni Go na isang abogado si Pangulong Rodrigo Duterte kaya alam niya ang kanyang trabaho at kung hanggang saan ang saklaw nito.
Bukod dito, may umiiral aniyang Separation of Powers sa pagitan ng Ehekutibo at Lehislatura.
Ipinaliwanag ni Go na lalabas naman ang katotohanan sa imbestigasyon ng Ombudsman dahil trabaho nito ang pagsasampa ng kaso at posibleng pagpapakulong sa mga mapapatunayang sangkot sa katiwalian.
nakatitiyak naman aniya ang publiko na walang pinipili ang administrasyon sa kampanya laban sa korapsyon.
Meanne Corvera