710 milyong pisong Unmanned Aerial System, ipinagkaloob ng US military sa Philippine Navy
Nakatanggap ang Philippine Navy mula sa US Military ng unmanned aerial system o UAS na nagkakahalaga ng 710-million pesos.
Itinurn-over ng Joint U.S. Military Assistance Group sa liderato ng Philippine Navy ang ScanEagle Unmanned Aerial System sa Naval Base Heracleo Alano, Sangley Point, Cavite.
Ayon sa US Embassy, mapapalakas nito ang maritime domain awareness at border security capabilities ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Sinabi ng US Embassy na ang ScanEagle UAS ay makapagbibigay ng intelligence, surveillance, at reconnaissance capabilities sa AFP.
Partikular sa 71st Maritime Unmanned Aerial Reconnaissance Squadron na siyang mag-o-operate ng nasabing aircraft.
Makatutulong din anila ang ScanEagle UAS sa disaster response at humanitarian assistance, at sa agarang aksyon sa territorial defense at internal security operations ng Pilipinas.
Moira Encina