LPA sa Bulacan area, posibleng malusaw sa susunod na 24 oras
Patuloy na binabantayan ng Pag-Asa DOST ang Low Pressure Area (LPA) na nasa Bulacan area.
Ayon sa weather bureau, ito ang nagdudulot ng mga pag-ulan sa buong Luzon landmass.
Maliban sa LPA, umiiral pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan mula sa Hilagang bahagi ng bansa.
Habang Easterlies pa rin ang umiiral sa Visayas at Mindanao na nagdudulot naman ng mga pag-ulan sa Eastern section ng mga nasabing isla.
Nananatili namang mababa ang tsansa na mabuo bilang isang bagyo ang binabantayang LPA at susunod na 24 oras ay inaasahang malulusaw na ito.
Dahil sa direktang epekto ng LPA, makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may pagkulog at pagkidlat ang buong Central Luzon, Kamaynilaan, Calabarzon, La Union at Pangasinan.
Paminsang makararanas din ng mga mahihina hanggang sa paminsan ay malakas na pag-ulan ang mga nasabing lugar kaya pinapayuhang magdala ng pananggalang sa ulan.
Habang sa nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging maulap rin ang papawirin na may mahihinang pag-ulan dahil naman sa Amihan.
Generally fair weather naman sa mga rehiyon ng Bicol at Mimaropa.