Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, hinirang bilang presidential adviser on Clark projects
Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, bilang Presidential Adviser on Clark Programs and Projects.
Sa isang pahayag ay nangako si Arroyo, na babaguhin ang Clark para maging economic powerhouse ng Asia ngayong 2020.
Tinukoy niya na sa panahong ito ng pandemya at pinakamalalang global recession sa halos isang siglo, ang paggamit sa Clark-Subic service logistics ay magbubukas ng mga trabaho, pamumuhunan at pag-unlad na lubhang kailangan para sa pagbangon ng bansa.
Dagdag pa ni Arroyo, isa itong napakalawak na gawaing naging isa sa kaniyang prayoridad sa panahon ng kaniyang pagkapangulo, at nagpapasalamat siya kay Pangulong Duterte sa pagtitiwalang makapagbibigay siya ng payo sa inisyatibo ng administrasyon na muling palakasin ang ekonomiya.
Liza Flores