Inagurasyon ng makabagong handwashing facilities sa Pasig Public Areas sa pangunguna ng Manila Water Foundation
Pinasinayaan ang makabagong handwashing facility sa Pasig Public Areas sa pangunguna ng Manila Water Foundation at Pasig City Mayor Vico Sotto.
Ang hitech handwashing facilities ay upang makatulong sa pagprotekta sa mga mamamayan laban sa paglaganap ng COVID-19.
Mayroon itong unique hybrid design kung saan ay maaring makapaghugas ng kamay gamit ang siko o foot pedal. Mayroon din itong 1 metrong layo sa bawat faucet upang matupad ang social distancing.
Ayon kay Manila Water Foundation Executive Director Reginald Andal, adbokasiya ng nasabing foundation ang mabigyan ng wash, water access, sanitation and hygiene ang mga mamamayan sa mga lugar na kabilang sa special concern lockdown communities.
Kaya naman sa pamamagitan ng handwashing facilities ay mabibigyan ng access ang mga mamamayan na makapaghugas ng kamay gamit ang malinis na supply na tubig at may kasamang sabon.
Namahagi rin sila ng mga sabon at iba pang hygiene kits pati na ng Information, education and communication materials upang matugunan ang sanitation needs ng mga residente sa nasabing lungsod.
Inaasahan din ang pagkakaroon ng nasabing pasilidad sa ilan pang lugar sa Metro Manila upang mas masuportahan ang mga lugar na apektado ng COVID-19 pandemic.
Shiela Mae Piolino