Passport applications, strictly by appointment only – DFA

Strictly by appointment only, ang lahat ng passport applications ayon mismo sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa Office of Consular Affairs (OCA), bunsod ito ng idineklarang national health emergency dahil sa COVID-19.

Pahayag ng OCA, maaaring magpa-book ng appointment ang mga aplikante sa passport.gov.ph.

Bilang pagsunod sa itinatakdang health and safety protocols particular ang physical distancing measures, ang passport appointment slots ay limitado sa maximum capacity ng mga aplikante at personnel na papayagan sa loob ng Consular Offices.

Dagdag pa ng OCA, tuloy-tuloy ang kanilang pagmo-monitor sa sitwasyon at ina-adjust ang available appointment slots.

Ang mga may urgent o emergency travel needs, ay pinapayuhang magpadala ng email sa [email protected] o sa pinakamalapit na Consular Office.

Bisitahin ang (https://consular.dfa.gov.ph/directory#COS) para sa detalye upang makakuha ng early accommodation.

Paalala ng tanggapan, siguruhing makapagpiprisinta ng proof of urgent travel, para agad na maasikaso ng Consular Office ang request.

Liza Flores

Please follow and like us: