Dalawang Ordinansa para sa Housing program sa Pasig City, nilagdaan ni Mayor Vico Sotto
Pinirmahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kambal na ordinansa para sa programang pabahay sa lungsod matapos gunitain ang anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio.
Ang mga ito ay ang Ordinance Creating the Pasig Urban Settlements Office; at ang Pasig City Socialized Housing and Urban Community Development Code of 2020
Sinabi ni Sotto na magkakaroon ng matibay na pundasyon ang housing projects sa Pasig dahil nakapaloob sa mga ordinansa ang prinsipyo, istruktura at proseso, at mga prayoridad ng programa.
Muling binigyang-diin ni Sotto na uunahin ng lokal na pamahalaan sa pabahay ang mga nakatira sa danger zones at waterways.
Tiniyak ng alkalde na mayroon silang long-term plan sa housing program.
Malaki na rin anya ang progreso nito partikular sa negosyasyon sa pagbili ng lupang pagtatayuan ng pabahay at pag-organisa ng mga grupong nasa danger zone.
Ayon pa kay Sotto, ang mga bagong housing ordinance na inilarawan niyang makasasayan ay bunga ng karanasan at pagkatuto sa pagkakamali ng Pasig sa pabahay sa mga nakaraan.
Moira Encina