Brgy Ginebra, nakauna ng panalo sa TNT Tropang Giga sa best-of-seven championship game, Philippine Cup
Nakaungos ang Barangay Ginebra sa kanilang best-of-seven PBA BUBBLE, Philippine Cup Championship game laban sa TNT Tropang Giga matapos ang 100-94 overtime period sa Game 1 noong Linggo ng gabi sa AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.
Isang matinding layup ni Arvin Tolentino ang naghatid sa overtime period ng laro.
Naging mas matapang ang Barangay Ginebra sa extra period nang umiskor sina Stanley Pringle at Japeth Aguilar upang bigyan ang kampo ng Ginebra ng apat na puntos na kalamangan.
Sa kabilang dulo ay nag-collapse ang opensa ng TNT nang sumablay sina Ray Parks at Simon Enciso sa kanilang three points .
Si Japeth Aguilar ang nahirang na best player of the game na gumawa ng 25 points at 16 rebounds, habang si Pringle ay nag-ambag ng 24 points, 7 rebounds, at 7 assists.
Ipagpapatuloy ang PBA Bubble finals sa Miyerkules. na ang pangako ng mga players ni coach Bong Ravena ay babawi sila sa laban sa Barangay Ginebra.
Malou Aquino