To shower or not
Hindi lang sa mga isyu sa pulitika ekonomiya o buhay ng mga personalidad meron tayong opinyon. Actually, sa napakaraming bagay ay may mga opinyon tayo. Kahit nga sa paliligo, nariyang araw-araw ba ay dapat maligo? Ilang beses dapat sa isang araw pwedeng maligo? Kelan dapat maligo, sa umaga o gabi at kung ano- ano pa. May mga naririnig tayo na nagsasabing di sila mapakali kapag hindi nakaligo . O kaya, twice a day na nagsa-shower. Ano ba ang sabi ng mga eksperto o mga dermatologist pagdating dito?
Ang sabi ng dermatologists, ang paglilinis ng balat araw-araw ay maaaring magtanggal ng good bacteria na nagpapanatiling malusog ng balat, panangga rin sa mga delikadong bacteria at hadlang sa toxins na pwedeng makuha sa ginagamit nating sabon, shampoo at iba pa. Gaya ng alam ng nakararami, nakapagpapanuyo ng balat ang araw-araw na paliligo, aside from the fact that it can make your skin irritated and itchy, nakaaalis din ng essential oils sa katawan.
Kung maliligo, ayon sa dermatologists sapat na ang sampung minuto o kahit twenty minutes, pero mas mababa pa, lalo na yung may severe eczema o dermatitis. Sa paliligo mag focus sa dirtiest areas like arms, legs, underarms, groin, and feet. May iba ibang dahilan kung bakit tayo naliligo, pwedeng concern tayo sa amoy ng ating katawan o maari din na ang pagligo ang paraan ninyo para magising o dahil sa ito na ang ating morning routine. I know mga kapitbahay, you always want to feel and smell fresh, kaya lang, may mga bagay na dapat din tayong isaalang-alang , at yun ay ang ating kalusugan. Sabi nga ni Dr. Robert Shmerling, Senior Faculty Editor ng Harvard Health Publishing, ” if you are doing it for health, it may be a habit worth breaking”.
Samantala, kung hindi naman kayo concern sa araw-araw na paliligo dahil twice o thrice a week lang ang paggoli nasa sa inyo po yun. Tandaan lang natin na pagkatapos nating maligo, para maiwasan ang panunuyo ng balat ay mag-apply ng moisturizer, don’t dry off completely, sa halip, leave some moisture behind so the lotions can do their job upang maging malusog ang ating balat. So, nasa inyo na ang desisyon ukol sa dalas ng gagawing paliligo.