TELCOS, sinisingil na ng Malacañang para sa magandang serbisyo ng Internet sa PHL
Inoobliga na ng Malakanyang ang mga Telecommunications Company o TELCOS na ayusin ang kanilang serbisyo ng internet connection sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque marapat na ayusin ng mga TELCOS ang kanilang serbisyo dahil inaksyunan na ng gobyerno ang kanilang hinaing hinggil sa mabagal na pagbibigay ng permit ng mga Local Governnment Units o LGU’S para sa pagtatayo ng karagdagang tower ng mga celsites.
Ayon kay Roque noon pa inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Ano na obligahin ang mga local executives na huwag binbinin ang pag-iisyu ng permit sa mga TELCOS sa pagtatayo ng karagdagang tower upang mapabilis ang internet connection sa bansa.
Inihayag ni Roque hanggang ngayon ay mabagal parin ang serbiyo ng dalawang pangunahing TELCOS sa internet connection na nagbibigay problema sa mga estudyante at mga work from home.
Niliwanag ni Roque na binibigyan pa ng pagkakataon ang mga TELCOS na paghusayin ang kanilang serbisyo bago gumawa ng kaukulang hakbang ang pamahalaan.
Vic Somintac