DOH may paalala sa publiko sa pagdiriwang ng Holiday season
Ngayong Holiday season, naglabas ng ilang paalala ang Department of Health sa publiko para sa ligtas na pagdiriwang lalo na at patuloy pa ang banta ng COVID-19.
Sa Department Circular ng Department of Health patungkol sa Reiteration of the Minimum Public Health Standards for COVID-19 Mitigation during the Holidays, nakasaad na mas magandang manatili sa bahay ngayong holiday season at iwasan ang mga aktibidad na kailangang bumiyahe o lumabas. Makabubuti ring limitahan ang bisita sa bahay.
Mas makabubuti rin umano kung sa pagdiriwang ay gawin nalang ito ng mga pamilya na magkakasama sa loob ng isang bahay.
Ayon sa DOH pwede namang magsagawa ng virtual gathering para ss iba pang kaanak na di kasama sa bahay.
Paalala ng DOH karamihan ng virus infection ay nakukuha sa pamamagitan ng close contact at prolonged exposure.
Mataas din umano ang banta ng virus na dala ng COVID-19 sa mga pagtitipon na mayroong kantahan, sigawan o sayawan.
Madz Moratillo