Manlalaro ng Warriors at Wizards, may COVID-19
WASHINGTON, United States (AFP) – Inanunsyo ng NBA clubs, sa pagsisimula ng individual 2020-2021 pre-season workouts, na dalawang players mula sa Golden State Warriors at isa naman mula sa Washington Wizards, ang nagpositibo sa COVID-19.
Sinabi ni Warriors general manager Bob Myers, na made-delay hanggang Mierkoles ang simula ng individual player workouts, habang ang group sessions naman ay mag-uumpisa sa susunod na linggo.
Ayon naman sa Wizards coach na si Scott brooks, isang hindi pinangalanang manlalaro ang nagpositibo at hindi makalalahok sa training camp sa linggong ito.
Nakasaad sa NBA health-and-safety protocol, na sinumang manlalaro na magpositibo kahit na wala itong sintomas, ay kailangang maghintay ng 10-araw o kailangan niyang mag-negatibo ng dalawang beses nang hindi bababa sa 24-oras ang pagitan, at isasailalim sa monitoring sa individual workouts sa loob ng dalawang dagdag pang araw, bago siya makabalik sa club.
Ang solo workouts ay itinakda hanggang Sabado at limang araw naman ng group workouts simula sa Linggo, bag mag-umpisa ang NBA pre-season games sa n December 11 at ang regular season sa December 22.
Kabilang sa mga magsisimula sa Martes ay ang Brooklyn Nets, kung saan sa unang pagkakataon ay magkakasama si Kyrie Irving at ang injured na si Kevin Durant, sa huling bahagi ng buwang ito.
Si Durant na two-time NBA Finals Most Valuable Player at 2014 NBA MVP, ay nagpapagaling mula sa tinamong Achilles injury sa 2019 NBA Finals habang naglalaro kasama ang koponan ng Warriors, habang si Irving ay nakapaglaro lamang ng 20 games sa last season bago nagkaroon ng right shoulder injury.
Ayon kay Durant, maganda ang kaniyang pakiramdam at nagwo-workout siya kasama si Irving ng hanggang limang beses kada linggo, para paghandaan ang season.
© Agence France-Presse