US nangako ng P875-M na suporta sa HIV/AIDS prevention at treatment sa Pilipinas
Inilunsad ng US Embassy sa Pilipinas ang bagong President’s Emergency Plan for AIDS Relief funded-program kaalinsabay ng pag-obserba sa World AIDS Day.
Ayon sa US Embassy, magsisimula ang nasabing programa ngayong buwan na layuning tugunan ang tumataas na bilang ng mga tao na mayroong HIV sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng programa, nag-commit ang US government ng mahigit Php 875-M na suporta sa loob ng dalawang taon para sa HIV/AIDS prevention and treatment effort.
Batay sa datos, ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng bilang ng HIV case sa Asia- Pacific region.
Tinukoy din sa datos ng DOH na mahigit 110,000 Pinoy ang mayroong HIV ngayong 2020; 37,000 ang hindi diagnosed; at 18,500 naman sa mga nadiagnosed ang hindi pa naka-enroll sa antiretroviral therapy.
Sa ilalim ng bagong programa, makikipagtulungan ang USAID sa DOH at sa local community organizations para sa implementasyon ng mga aktibidad sa NCR, Central Luzon, at CALABARZON na tatlong rehiyon na may pinakamataas na HIV cases sa bansa.
Moira Encina