Senador Lacson, pinag-aaralang gawing krimen ang Red Tagging

Umalma si Senador Panfilo Lacson sa paratang ng isa sa mga miyembro ng Makabayan block na Witch hunting ang ginawang pagdinig ng Senado sa isyu ng Red tagging.

Ngunit ayon kay Lacson, normal na aniya’y mga talunan na maghanap ng scapegoat.

Ayon sa Senador, hindi tamang akusahan sila ng grupo dahil binigyan rin nila ito ng sapat na panahon para makapagpaliwanag at makapagprisinta ng kanilang mga testigo kaugnay ng paratang sa kanila at pag-uugnay sa CPP-NPA-NDF.

Ikinukunsidera naman ni Lacson ang mga panukalang gawing krimen ang red tagging.

Pero tiniyak ni Lacson na sakaling isulong ang batas para dito, hindi maiko-kompromiso ang Freedom of Speech at Expression.

Senador Lacson:

I am seriously considering the recommendation to criminalize red-tagging as long as such legislation will not infringe on the bill of rights involving freedom of speech and expression“.

Samantala, para kay Senate President Vicente Sotto III, sa halip na gawing krimen ang red tagging, dapat na lamang kasuhan ng libelo ang mga nag-aakusa.

Mahirap aniya na lumusot ang batas para dito at ang reklamo ng red tagging ay babagsak rin sa mga probisyon ng libelo.

Senate Pres. Tito Sotto:

If we criminalize red-tagging, we have to criminalize narcissistic-tagging and fascist-tagging, while it falls in the category of libel, E ‘di file-an na lang ng libel. I think that should be food for thought for those who are offended by being called ‘Reds, You may think about that instead of having Congress discuss and then file a bill criminalizing red-tagging, which at this point would be very difficult to do“.

Pangamba naman ni Senador Risa Hontiveros, baka lumabag ito sa mga itinatakda ng Saligang Batas.

Maaari rin aniyang malabag ang karapatan ng mga indibidwal na ginagarantiyahan ng Saligang Batas.

Senador Risa Hontiveros:

The constitutional principles alone should suffice, freedom of association, andyan naman ang RPC, pag inisip natin kung Freedom of Conscience, Freedom of Association di siya nagdadala ng armas dapat malaya sa red tagging. May anti red tagging law o wala, may karapatan ang tao to hold beliefs basta walang krimen na isinasagawa“.

Meanne Corvera

Please follow and like us: