Mga reklamo ng korapsyon na natanggap ng Task Force Against Corruption umaabot na sa halos 100
Kabuuang 98 reklamo ng katiwalian ang natanggap na ng Task Force Against Corruption.
Ayon kay Justice Undersecretary at Spokesperson Emmeline Aglipay- Villar, 35 sa mga reklamo ay natanggap ng DOJ Action Center habang ang 63 ay sa secretariat ng Task Force.
Pero, ang ilan anya sa mga reklamo ay ukol sa parehong alegasyon ng katiwalian.
Kaugnay nito, sinabi ni Villar na magiging fully operational ang operations center ng Task Force Against Corruption sa oras na ilabas ang kautusan na nagdidetalye sa mga gampanin nito at ng mga nasa ilalim nitong unit, at sistema ng pagtanggap at paghahain ng reklamo.
Sa susunod na linggo anya inaasahan na ilalabas ang nasabing department order.
Sa naging pagpupulong ng Task Force tinalakay ang mga tungkulin ng operations center at mga unit sa ilalim nito gaya ng secretariat at records custodian, operations center information system, operations center evaluation committee, at special investigation teams.
Moira Encina