Cavite Prov. Gov’t nagbabala ukol sa pagkakaroon ng 2nd wave ng Covid 19 kung hindi susunod sa mga umiiral na health protocol

Nagbabala ang Cavite Provincial Government sa publiko lalo na sa mga taga Cavite ukol sa posibilidad ng pagkakaroon ng 2nd wave ng Covid 19 sa lalawigan. 


Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, ito ay kung hindi susundin ng buong higpit ng mga taga Cavite ang mga health protocol na kanilang ipinatutupad.


Pinaalalahanan din ng gobernador ang publiko na bawal pa rin  ngayon ang pagkakaroon ng mga holiday o year end party, at maging ang operasyon ng mga sabungan.  


Nagbigay rin ng anunsiyo si Governor Remulla na pinapayagan na ng provincial government ang mga menor de edad na magpunta sa mga malls sa Cavite province ngunit dapat kasama ang kanilang magulang.


Magkakaroon din aniya ng pagbabago sa oras ng mga malalaking pamilihan sa Cavite.

Sinabi ng gobernador na ang mall hours ay extended ngayong December ng hanggang alas 9 lamang ng gabi.


Epektibo pa rin aniya ang umiiral na Curfew Hour sa buong Cavite mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: