Mahihinang pag-ulan, asahan ngayong araw sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa Trough ng LPA at Tail-end of a Frontal system
Ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na nasa bahagi na ng Poblacion, Albay ay magdadala ng mga pag-ulan ngayong araw sa malaking bahagi ng Luzon at Western section ng Visayas.
Ayon sa Pag-Asa DOST, maliit pa rin ang tsansa na maging isang bagyo ang LPA.
Pero asahan ang light rains kabilang sa mga makararanas ng manaka-nakang pag-upan ay sa mga rehiyon ng Bicol at Mimaropa at Western Visayas.
Samantala, Tail-end of a Frontal system naman ang umiiral sa Eastern section ng Luzon partikular sa Northern at Central Luzon.
Habang sa Northern Luzon partikular sa Cagayan valley kasama ang Aurora at Quezon province ay makararanas ng Amihan o Northeast Monsoon.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng Luzon ay magiging maganda ang panahon maliban na lamang sa mga isolated rainshowers sanhi ng localized thunderstorms.