Mga Medical school sa bansa gagawing COVID 19 Vaccine center – Malacañang
Plano ng Malakanyang na gawing COVID 19 vaccine center ang mga medical school sa bansa.
Sinabi ni National Task Force Chief Implenter at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na ang mga medical school ay mayroon ng mga pasilidad para maging vaccine center.
Ayon kay Galvez ang pagkuha sa serbisyo ng mga medical school ay bahagi ng private public partnership sa vaccination porgram ng pamahalaan.
Inihayag ni Galvez na kailangang organisado ang magiging sistema ng mass vaccination dahil anim milyong mamamayan ang bibigyan ng anti COVID 19 vaccine.
Niliwanag ni Galvez na on going na ang isinasagawang koordinasyon sa mga medical school sa bansa para sa planong gawing vaccine center ang kanilang pasilidad.
Ipinaliwanag ni Galvez na mapapabilis na ang proseso ng pag-apbroba ng gagamiting COVID-19 vaccine sa bansa dahil naglabas na si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order para sa Food and Drug Administrstion o FDA na magamit ang Emergency Use Authorization.
Vic Somintac