COVID 19 Vaccine posibleng mabigyan ng Emergency use authorization sa 1st quarter ng susunod na taon – FDA
Dahil sa mabilis na hakbang ng United Kingdom at China sa pagbibigay ng Emergency Use Authorization o EUA sa COVID 19 vaccine ng Pfizer, Sinovac at Sinopharm mas mapapaaga ang pagkakaroon ng bakuna dito sa Pilipinas.
Sinabi ni Food and Drug Administration o FDA Director General Dr. Eric Domingo dahil sa development sa United Kingdom at China imbes na sa second quarter pa ng susunod na taon magkakaroon ng COVID 19 vaccine sa Pilipinas posibleng sa huling bahagi ng first quarter ng susunod na taon ay magkakaroon na ng bakuna sa bansa.
Ayon kay Domingo dahil nakakuha na ng EUA ang Pfizer, Sinovac at Sinopharm sa FDA ng United Kingdom at China sa unang linggo pa lamang ng December ay mapapaaga talaga ang pagdating sa Pilipinas ng kanilang application.
Inihayag ni Domingo sa sandaling mag-apply ng EUA sa Pilipinas ang Amerika na gumawa ng bakuna ng Pfizer at China na gumawa ng bakunang Sinovac at Sinopharm agad itong isasailalim sa pagsusuri ng panel of expert ng FDA upang sa loob ng 21 araw ay mabibigyan na ito ng EUA.
Binigyang diin ni Domingo na malaking bagay ang maagang pagpapalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order 121 na nagbibigay ng karapatan sa FDA na mag-issue ng EUA sa bakuna laban sa COVID 19.
Niliwanag ni Domingo kung walang EUA aabutin ng anim na buwan bago kapagpalabas ng desisyon ang FDA dahil kailangang dumaan pa sa evaluation at documentation ang candidate vaccine samantalang kung mayroong EUA aabutin lamang ito ng 21 araw ay makapagapalabas na ng desisyon dahil iaadapt na lamang ang FDA approval ng country of origin ng COVID 19 vaccine.
Vic Somintac